2 obrero kisay sa kuryente

BULACAN , Philippines   â€“ Dalawang obrero ang iniulat na namatay makaraang makuryente sa ginagawang gusali sa Barangay Paliwas, bayan ng Obando, Bulacan kamakalawa ng hapon. Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang mga biktimang sina John Wilfred Capistrano, 24; at Edgardo Jocson, 24, kapwa nakatira sa Barangay San Pascual sa nasabing bayan. Ayon kay PO2 Erwin Bumagat, nalagot ang hinihilang kable ng isa sa kasamahan ng dalawa sa ginagawang gusali na pag-aari ng dating alkalde. Nagkataon namang gumagawa ang dalawa sa unang palapag nang mapadikit sa naputol na kable ng kuryente kung saan tumama sa tubig na tinatapakan ng mga biktima. Dito nagkikisay ang dalawa kung saan naisugod pa sa osptial subalit idineklarang patay.

 

Show comments