2-katao kisay sa kuryente

BATAAN, Philippines - – Magkasabay na sinalubong ni kamatayan ang magkapitbahay matapos makuryente habang nagsasampay ng mga damit sa Barangay Kapihan, Cupang North sa Bala­nga City, Bataan kamakalawa ng umaga. Kinilala ni Chairman Norman Guila ang mga biktima na sina Cindy Tuazon, 27; at Reggie de Jesus, 27, barangay tanod sa Cupang Proper habang sugatan naman ang mister nito na si Ryan de Jesus, 27. Base sa ulat, nagsasampay ng mga damit na nilabhan si Cindy nang makuryente kung saan tinulungan naman ni Reggie. Subalit maging si Reggie ay nakuryente at namatay kung saan nadamay na nasugatan ang mister nito matapos sumaklolo sa nangingisay na misis. Napag-alamang ikinabit ni Cindy ang kable ng washing machine sa  sampayan kung saan dumaloy ang kuryente

Show comments