Ex-councilor nilikida ng NPA

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Niratrat at napatay ng mga rebeldeng New People’s Army ang dating municipal councilor na inakusahang tiktik ng pulisya at militar sa panibagong paghahasik ng karahasan sa Barangay Bulala, bayan ng Magallanes, Sorsogon kahapon. Nakilala ang napatay na si Glen Lee ng Barangay Banacud sa naturang bayan. Sa ulat ng pulisya, nagmomotorsiklo ang biktima kasama ang kaibigang si Wilfredo Mella  nang harangin ng mga rebelde pagsapit sa nasabing lugar. Pinababa ang biktima sa kanyang motorsiklo saka niratrat kung saan hindi naman idinamay ang kaibigang si Mella.

 

Show comments