Lola patay sa sunog

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - - Patay ang 94-anyos na lola matapos makulong  sa kanyang bahay na nasusunog kamakalawa ng gabi sa Zone 1, Barangay Del Rosario, bayan ng Milaor, Camarines Sur. Umabot ng 15-minuto ang sunog bago maapula ang apoy na nagmula sa kandilang sinindihan ng biktimang si Estelita Avenido-David. Dahil sa katandaan ay hindi na nakalabas ng kanyang bahay ang biktima na sinasabing hindi nailigtas ng kanyang mga kapitbahay dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy.

Show comments