2 bebot utas sa pamamaril

MAGUINDANAO, Philippines - - Maagang sinalubong ni kamatayan ang dalawang babae matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa bisinidad ng Sinsuat Avenue sa Cotabato City, Maguindanao kamakalawa ng gabi. Mabilis namang isinugod sa bahay pagamutan subalit hindi na umabot ng buhay sina Liza Aragona, 54; at Lizabeth Abdula, 25, kapwa nakatira sa Relocation Site, Barangay Tamontaka 2, Cotabato City. Ayon kay Cotabato City PNP director P/Senior Supt. Rolen Balquin, naghihintay ng masasakyan ang dalawa para umuwi nang lapitan at ratratin ng dalawang hindi kilalang lalaki gamit ang cal. 45 pistol. Blanko pa rin ang pulisya sa motibo ng pamamaril sa dalawa.

Show comments