Mister inutas sa harap ng misis

QUEZON , Philippines  - Sabog ang tiyan at namatay ang 48-anyos na magsasaka matapos na barilin ng kanyang kapitbahay sa harap mismo ng kanyang misis sa Sitio Hinapay, Barangay San Roque sa bayan ng Catanauan, Quezon kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Alberto “Unyo” San Juan habang tugis na ng pulisya  ang suspek na si Marcelito Ceno at kasamahan nitong si Karding Abestilla. Sa imbestigasyon, lumilitaw na papauwi na ang biktima kasama ang kanyang misis nang harangin at barilin ng suspek na si Ceno gamit ang shotgun. Sinisilip ng pulisya ang anggulong alitan sa lupang sinasaka ng biktima.

Show comments