Driver ng firetruck reresponde sa sunog, inatake: 8 sasakyan niragasa

Cavite, Philippines -- Walong sa­sakyan ang niragasa ng trak ng bumbero nang atakihin sa puso ang driver nito habang papunta sana sa sunog sa Carmona, Ca­vite kamakalawa.
Sa ulat, nabatid na dakong alas-9:10 ng umaga nang maganap ang aksidente sa may DILG Building, JM Loyola St. Brgy. Maduya. Minamaneho umano ni Wilfredo de Guzman, 58, ang firetruck (SJC-998) na reresponde sana sa sunog nang atakihin siya sa puso kaya nawalan nang kontrol at araruhin ang dalawang tricycle, dalawang motorsiklo at apat na brand new motorcycle na nakadisplay sa harapan ng venture motorcycle sales corporation. Masuwerte namang walang nasugatan sa insidente pero idineklarang dead-on-arrival na sa ospital dahil sa cardiac arrest si de Guzman.

 

Show comments