Shootout: Drug pusher tumba

MANILA, Philippines - Napatay ang sinasabing notoryus na drug pusher habang ares­tado naman ang kasabwat nito makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Ilocos region at  local policemen noong Miyerkules ng gabi sa Barangay Poblacion West, bayan ng Asingan, ­Pangasinan. Kinilala ang napatay na si Elias “Kadi” Sultan habang nasakote naman ang kasamahan nitong si  Benito Monses ng Barangay Poblacion East. Sa ulat ni PDEA-Region 1 spokesman Bismark Bengwayan, naganap ang shootout matapos makatunog si Kadi sa inilatag na entrapment operation ng PDEA. Naghagis pa ng granada si Kadi sa mga operatiba ng PDEA at pulisya subalit hindi sumabog kung saan nakipagbarilan pa ito hanggang sa mapatay habang naaresto naman si Monses. Narekober sa da­lawa ang 8-plastic sachets ng methamphetamine hydrochloride na may street value na P1.5 milyon, motorsiklo, granda at cal. 45 pistol.

Show comments