‘Rapist’ nilikida ng NPA

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines    â€” Brutal na kama­tayan ang sinapit ng 38-anyos na mister na inakusahang rapist matapos itong kaladkarin palabas ng kanyang bahay ay pinagbabaril pa ito ng mga rebeldeng New People’s Army kahapon ng umaga sa Sitio Lapus-Lapus, Barangay Guindahap sa bayan ng Monreal, Masbate. Bandang alas-5 ng umaga nang pasukin sa bahay ang biktimang si Nelson “Mono” Bartolay na abala sa paghahanda ng almusal ng kanyang pamilya. Wala namang nagawa ang mga kapitbahay at kamag-anak ng biktima sa naganap na pamamaslang. Bago lumisan ang mga rebelde ay nag-iwan pa ng sulat sa ibabaw ng bangkay ng biktima na nakasaad na hinatulan ng kamatayan dahil sa nagawang kasalanan nito.

 

Show comments