Kandidatong chairman, 3 pa niratrat

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - – Pinagbabaril ng mga di-kilalang lalaki ang kandidatong barangay chairman at tatlong nitong kasama na sinasabing nangangampanya sa Barangay Divisoria, bayan ng Cataingan, Masbate kamakalawa ng hapon. Nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan sina Orlan Mollejon, 31, kandidatong barangay chairman; Vicente Cabatingan, 23; Ricky Quilongquilong, 26; at si Romulo Claros, 28, pawang nakatira  sa nasabing barangay. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Culbert Sison, lulan ng dalawang motorsiklo ang mga biktima nang ratratin pagsapit sa bahagi ng tulay sa nasabing barangay. Narekober sa  pinangyarihan ng ambush ang ilang basyo ng cal. 45 pistol. Pinaniniwalaang may kaugnayan ang barangay election sa Lunes (Oct. 28) sa naganap na pananambang.

Show comments