3 tulak-droga arestado

BATAAN , Philippines   â€“ Rehas na bakal ang binagsakan ng tatlo-katao na sinasabing drug pusher matapos madakip ng mga awtoridad sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation sa Balanga City, Bataan kamakalawa. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Nerissa Consuelo Acuzar alyas ka Joselyn Lingad, 38, ng Balut-1 sa bayan ng Pilar; Marwin Jimenez “Weng” Santos, 27, ng Ma. Lourdes Cupang Proper Balanga City; at si Mary Ann Garcia Simsuangco, 36, ng Barangay Luacan, Dinalupihan. Ayon kay P/Insp. Janice Piga, ang mga suspek ay naaresto sa harapan ng department store sa Barangay Poblacion kung saan nasamsam ang 43 plastic sachets ng shabu at mark money na ginamit sa operasyon.

Show comments