Van vs trak: 2 dedo; 7 grabe

NORTH COTABATO , Philippines  - Maagang sinalubong ni kamatayan ang dalawa-katao habang pito naman ang malubhang nasugatan matapos bumangga ang passenger van sa nakaparadang truck sa pakurbadang highway sa Barangay Manua­ngan, bayan ng Pigcawayan, North Cotabato kahapon ng tanghali.

Kinilala ng pulisya ang isa sa dalawang namatay na si Noramin Sali, driver ng van, na nagkalasug-lasog ang katawan at isang babaeng pasahero na nawasak naman ang ulo sa lakas ng impak.

Samantala, tatlong bata at apat na may edad naman ang malubhang nasugatan na agad na naisugod sa iba’t-ibang pagamutan.

Sa ulat ng pulisya, binabaybay ng van (MVG-767) ang kahabaan ng highway ng Cotabato City patu­ngong bayan ng Midsayap nang mawalan ng preno at sumalpok sa nakaparadang trak (MVG-635) pagsapit sa kurbadang kalsada.

Sinabi ng driver ng trak na si Riden Pido na katatapos lang nilang magbaba ng bigas sa rice mill nang bumangga ang van sa likurang bahagi ng sasakyan.

 

Show comments