Chairman dedo sa tandem

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Isa na namang barangay chairman ang itinumba matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa kahabaan ng highway sa Barangay Pangtod sa bayan ng Pidigan noong Martes ng umaga. Kinilala ni  P/Senior Insp. Paul Benjamin Mandane, hepe ng Pidigan PNP ang biktima na si Chairman Arnulfo “Pedong” Madriaga, 54, ng Barangay San Diego sa nabanggit na bayan. Sa ulat ni Mandane, kaangkas si Madriaga sa motorsiklo ni Barangay Tanod Afredo Barroga Blando mula sa pagpupulong na ipinatawag ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa voter’s education sa Pidigan Elementaray School nang ratratin ng tandem. Hindi naman nadamay si Blando sa pamamaril habang narekober naman sa crime scene ang 12-basyo ng cal. 45 pistol.

Show comments