Gun-for-hire itinumba

NUEVA ECIJA, Philippines – Pinabulagta ang 44-anyos na magsasaka na sinasabing gun-for-hire matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan sa kahabaan ng Vergara Highway sa Barangay Luna, bayan ng Sta. Rosa, Nueva Ecija kamakalawa, umaga. Ayon sa pulisya, nagmomotorsiklo ang biktimang si Diosdado “Jess” Tayao nang harangin at ratratin pagsapit sa nabanggit na barangay. Narekober sa crime scene ang 21 basyo ng M16 Armalite rifle at ang cal. 9mm pistol na pag-aari ni Tayao. Nabatid na si Tayao na naunang inaresto sa bayan ng San Leonardo noong Agosto 18, 2009 ay may nakabinbing kasong illegal possession of firearms and ammunitions sa Gapan City Regional Trial Court Branch 34.

 

Show comments