Bomber plane nag-crash: 2 piloto nawawala

MANILA, Philippines - Nabahiran ng trahedya ang ika-66th anibersaryo ng PAF makaraang bumagsak ang pandigmang eroplano ng Philippine Air Force kung saan dalawang piloto nito ang nawawala sa karagatan ng Palawan kamakalawa ng gabi.

Gayon pa man, kaila­ngan pang impormahan ang pamilya ng dalawang piloto kaya pansaman­talang hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan na kapwa­ naka-assign sa 570th Composite Tactical Wing na nakabase sa Puerto Prin­cesa City, Palawan, ayon kay PAF spokesman Col. Miguel Ernesto.

Subalit sa impormas­yong nakalap mula sa mga kasamahang piloto ay kinilala ang dalawa sa mga apelyidong Lt. May Ybanez at Lt. Nacion.

Lumilitaw na mag-take-off sa Puerto Prin­cesa City ang dalawang bomber plane dahil na rin sa paghahanda ng PAF sa pagdaraos ng anibersaryo.

Subalit makalipas ang 53-minuto na magsagawa ng night flying proficiency ay bumalik ang unang bomber plane nina Lt. Marzo at Pa­dernal habang ang ika­lawang eroplano naman ay hindi na makontak ng Palawan Tower.

Kaagad na rumesponde ang patrol gunboat 383  at assault ship 71 ng Philippine Navy kung saan narekober naman ang nguso ng bomber plane kahapon ng umaga.

Bunga ng insidente, pansamantalang grounded ang 8-12 squadron OV10 aircraft ng PAF habang patuloy naman ang imbestigasyon ng Board of Inquiry.

 

Show comments