Hapones lumundag kay kamatayan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinaniniwalaang desperado ang 61-anyos na Hapones na iniwan ng kanyang ka-live-in kaya nagdesisyong magpasalubong kay kamatayan matapos lumundag mula sa ikalawang palapag ng apartment sa Barangay II, bayan ng Daet, Camarines Norte kahapon ng umaga. Bandang alas-5:30 ng umaga nang matagpuan ang duguang katawan ni Yoshitsugu Ninomiya sa harapan ng gate ng Marmol Apartment. Sinasabing naging malulungkutin ang biktima matapos iwanan ng ka-live-in na si April “Daday” Tilos ng Barangay Matnog sa bayan ng Basud may tatlong buwan na ang nakalipas.

Show comments