Coordinator ng kandidato, itinumba

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Pinaniniwalaang may bahid-pulitika ang motibo ng pagkakapaslang sa 37-anyos na coordinator ng nanalong vice mayor matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa Barangay Loing, bayan ng Piddig, Ilocos Norte kamakalawa.
 Kinilala ni Ilocos Norte PNP spokesman P/Supt. Jeffry Gorospe ang biktima na si Michael Padaca, coordinator ni Vice Mayor-elect Gener Aquino. 
Pinawi naman ni Gorospe ang mga haka-haka na may kinalaman kay Comelec  Comissioner Grace Padaca ang kaso dahil kaapilyedo lamang ng biktima.
 Naunang ina­kala ng mga imbestigador ng pulisya na kaanak ni Comelec Commissioner Padaca ang biktima.

 

 

Show comments