Kuya tinodas ni bunso

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines   â€“ Napatay ang 27-anyos na kuya matapos itong saksakin ng kanyang bunsong utol na lalaki dahil sa matinding galit kamakalawa ng hapon sa Purok 3, Barangay Bonga sa bayan ng Bacacay, Albay. Napuruhan sa dibdib at tiyan at idineklarang patay sa ospital ang biktimang si Jay Bermas habang tumakas naman ang suspek na si Mark Bermas, 18, binata, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Sa police report, lumilitaw na sinermunan ng biktima ang kayang kapatid kaugnay sa malimit na pag-inom ng alak kung saan nagalit ang suspek. Dito na nagkasagutan ang mag-utol hanggang sa pagsasaksakin ang biktima.

 

Show comments