Binata inutas ng 4 adik

CAVITE, Philippines – Napagtripang gulpihin at saksakin hanggang sa mapatay ang 22-anyos na binata ng apat na kalalakihan na sinasabing adik sa bawal na droga kamakalawa ng gabi sa Barangay Bagong Silang, Queensrow Central sa Bacoor City, Cavite. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Sergio Dresa Acion Jr. habang tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Melchor Mendoza, Allan Calobay, Buboy Calobay, at si McMac Calobay na pawang nakatira sa nabanggit na barangay. Ayon kay PO3 Angelito Roxas, naglalakad ang biktima patungo sa tindahan nang mapagtripang harangin at gulpihin ng mga suspek.

Show comments