^

Probinsiya

Karambola ng 4 trak: 3 tumba

Boy Cruz at Dino Balabo - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Tatlo-katao ang iniulat na nasawi habang isa naman ang malubhang nasugatan matapos na magkarambola ang apat na trak sa kahabaan ng highway sa Barangay Matictic, bayan ng Norzagaray, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Christian Legaspi, Rio Delos Santos, kapwa driver; at ang pahinanteng si Wilmer Solis habang kritikal naman ang isa pang pahinanteng si Michael De Sajo.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Roginald Francisco, nag-overtake ang dump truck (RLV-360) ni Legaspi sa trailer tractor (CPY-489) ni Rafael Quijano subalit nahagip ang likurang bahagi ng trak.

Dito nawalan ng kontrol kaya sumalpok sa kasalubong na bulk carrier (UFV-983) ni Delos Santos kung saan nadamay naman ang cargo truck (RJZ-704) ni Manuel Rivera.

Dahil sa karambola ay agad na namatay ang tatalong biktima kung saan hindi naman tumigil ang sasakyan ni Delos Santos at tuluyang binangga nito ang tindahan ni Rolando Palaruan.

Himala namang nakaligtas kay kamatayan si Palaruan.

Pinaniniwalaang isa sa nasawing drayber ang nakaidlip habang nagmamaneho.

vuukle comment

BARANGAY MATICTIC

CHRISTIAN LEGASPI

DELOS SANTOS

MANUEL RIVERA

MICHAEL DE SAJO

RAFAEL QUIJANO

RIO DELOS SANTOS

ROGINALD FRANCISCO

ROLANDO PALARUAN

WILMER SOLIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with