^

Probinsiya

Encounter: 2 holdaper bulagta

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN , Philippines   â€” Bulagta ang dalawa sa tatlong notoryus na holdaper matapos na makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa ka­habaan ng Gen. Alejo Santos Highway sa Brgy. Cambaog sa bayan ng Bustos, Bulacan kahapon.

Isa sa dalawang patay ay nakilalang si Eddie Igna­cio, 38, ng Brgy. Tabang sa bayan ng Plaridel, Bulacan habang wala namang mapagkakakilanlan sa ka­sama nito na maputi, may bigote, balbas at may tattoo na Sputnik sa katawan.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Arwin Tadeo, lumilitaw na bago maganap ang shootout ay hinoldap ng tatlo na lulan ng dalawang motorsiklo ang biktimang si Cesar Villanueva sa bahagi ng Brgy. Malamig.

Naipaabot naman sa pulisya ang naganap na insidente kaya inilatag ang follow-up operation hanggang sa mamataan ang tatlo na nauwi sa shootout kung saan isa sa holdaper ay nakatakas.

Narekober sa crime scene ang dalawang cal. 38 revolver, 2-sachet ng shabu, pitaka ni Villanueva at motorsiklo na walang plaka.

Natagpuan naman ang isa pang motorsiklo na inabandona ng mga holdaper sa bahagi ng Brgy. Culianin sa bayan ng Plaridel.­

 

ALEJO SANTOS HIGHWAY

ARWIN TADEO

BRGY

BULACAN

BULAGTA

CESAR VILLANUEVA

CHIEF INSP

EDDIE IGNA

PLARIDEL

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with