Koreano nagbigti

MANILA, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 22-anyos na Koreano matapos itong magbigti sa bahay na tinutuluyan nito sa Barangay Kapatalan, Siniloan, Laguna kamakalawa. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-2 ng madaling araw nang madiskubre ang pagpapakamatay ni Kim Gunwoo matapos itong katukin ng dalawang kaibigang guro na sina Maria Bares, at Jomalyn Punzalan upang makipagkuwentuhan. Gayon pa man, sa kabila ng pagkatok ng dalawa sa silid ni Gunwoo ay hindi ito sumasagot  kaya napilitang buksan ang pintuan nito. Dito na bumulaga ang nakabiting biktima na gamit ang sinturon na nakatali sa double deck nito. Narekober naman ang suicide note sa tabi ng bangkay ng biktima.

Show comments