Nagpaputok, swak sa kanal, utas

MANILA, Philippines - Naging mitsa ng buhay ng 8-anyos na batang lalaki ang sinasabing nagpapaputok ng firecracker matapos na aksidenteng mahulog sa irrigation canal sa Barangay  Amado sa bayan ng Pudtol, Apayao kahapon ng umaga. Sa ulat ng Cordillera PNP, kinilala ang biktima na si Jayboy Cariño, Grade II. Sa imbestigasyon, nagkatuwaang magpaputok ang biktima at ilang kaibigan nito sa kanal ng irigasyon nang madulas bandang alas -10 ng umaga kung saan nahulog ito sa malalim na bahagi ng tubig. Nabatid na masyadong madulas ang pampang ng kanal dahil sa pag-ulan bunsod upang madulas ang bata. Nabigo naman ang mga kaibiagng bata na masagip ang biktima na tinangay ng malakas na agos kung saan nafrekober naman ang bangkay nito matapos na lumutang makalipas ang ilang oras sa di-kalayuan.

Show comments