Lider ng Acosta Group, itinumba

NUEVA ECIJA, Philippines  – Binaril at napatay ng motorcycle-riding assassins ang sinasabing lider ng  gun-for-hire at robbery/holdup gang sa may kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay San Pascual sa bayan ng Talavera, Nueva Ecija, kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Rodel Acosta, 28, may-asawa, magsasaka ng Barangay Sta. Cruz, Cuyap, Nueva Ecija, at sinasabing lider ng Acosta Group. Naganap ang pamamaslang habang nagpapagawa  ang biktima ng kanyang  motorsiklo sa nasabing lugar. Sa tala ng pulisya, kabilang sa mga miyembro ng Acosta Group na sinasabing may modus operandi sa ilang lalawigan ay kinilalang sina Jerry Derije, Pinky de Gracia, Masi Derije, Michael Rovero,Ariel Umipig, at si Dominador “Boyet”Andres.

Show comments