29 bahay wasak sa buhawi

LUCENA CITY, Quezon , Philippines – Aabot sa 29 kabahayan ang nawasak matapos manalasa ang buhawi  sa islang bayan ng Panukulan, Quezon sa kasagsagan ng bagyong Ofel kamakalawa. Apektado ng buhawi ay ang mga Barangay Ingas, Abyawin, Catambungan at ang Brgy. Binulasan sa bayan ng Infanta. Ayon kay Chairwoman Flossie Avellano ng Barangay Binulasan, 13 bahay ang winasak ng buhawi habang dalawa naman sa Barangay  Catambungan. Gayundin sa Lucena City kung saan apat na bahay ang naapektuhan at tatlo naman sa bayan ng Gen. Nakar.  Samantala, nabuwal naman ang maraming punungkahoy sa Brgy. Poblacion habang sa Brgy. Pamplona ay nawasak ang isang talyer.

 

Show comments