Tsinoy dakma sa P.150-M shabu

CAMARINES NORTE, Philippines  -  Rehas na bakal ang binagsakan ng isang Tsinoy matapos madakma ng mga operatiba ng Phil. Drug Enforcement  Agency (PDEA) at pulisya sa inilatag na drug bust operation sa Purok 6, Barangay Del Rosario sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Sa police report na nakarating kay P/Chief. Insp. Allan Docyogen, sinalakay ng pulisya ang nirerentahang bahay ng suspek na si Frederick Cua. Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Roberto Escaro  ng Daet Regional Trial Court Branch 38 ay nasamsam sa suspek ang tatlong plastic sachet ng shabu na may street value na P150,000.

Show comments