Binata kumalas sa nobya, nagbigti

MANILA, Philippines -  “Break na tayo kasi niloloko mo lang ako”.

Ito ang huling salita na narinig ng nobya sa kanyang 19-anyos na nobyo bago ito natagpuang na­kabigti sa kanilang bahay kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Jessie Campo, egg vendor, tubong Sitio Uburan, Brgy. Palid 1 Leyte at stay in sa 574 Hermosa Ext., malapit sa M. Frilles St., Brgy.182 Sona 16, ng nasabing lugar.

Dakong alas-7:00 ng umaga nang madiskubreng nakabigti ang biktima sa room 3 sa ikalawang palapag ng tinutuluyan nitong bahay.

Batay sa sinumpaang salaysay ng nobya ng biktima na hindi pinangalanan na magkatabi lamang ang kanilang pinapasukang trabaho sa Pampanga St., sa Tondo.

Habang naka-charge ang kanyang cellphone ay pinakialaman ng biktima at  nabasa ang text messages mula naman sa dating nobyo nito na “Kamusta kana,ingat ka palagi, love you” na ikinagalit nito kaya’t nakipagkalas.

Simula noon ay lagi nang tahimik ang biktima at  hindi na ito sumasagot sa tawag ng kanyang nobya.

Kahapon ng umaga nang madiskubre na lamang itong nakabigti.  

Show comments