^

PSN Showbiz

Showtime, makaka-back-to-back ng LOL sa TV5; ABS-CBN naka 40 milyong subs sa You Tube

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Showtime, makaka-back-to-back ng LOL sa TV5; ABS-CBN naka 40 milyong subs sa You Tube
It's Showtime host
STAR/ File

May pag-asa kayang magka-franchise ang ABS-CBN sa administrasyon ni Pres. Bongbong Marcos?

Naghain kahapon ang tatlong miyembro ng Makabayan Bloc sa House of Representatives ng panukalang batas na naglalayong i-renew ang 25-taong prangkisa sa media giant.

Ang House Bill No. 1218 ay ipinakilala ni Alliance of Concerned Teachers (ACT) party-list Rep. France Castro, Gabriela Rep. Arlene Brosas, at Kabataan Rep. Raoul Manuel.

Taong 2020 nang mawalan ng franchise ang ABS-CBN.

Samantala, wala pang official statement ang It’s Showtime, pero lumabas sa story ng Frontline Pilipinas na diumano’y mapapanood na rin ito sa TV5, ka-back-to-back ng Lunch Out Loud (LOL) ng Brightlight Productions.

Anyway, tuloy ang pangunguna ng ABS-CBN Entertainment sa YouTube channel sa buong Southeast Asia matapos itong maka-40 milyong subscribers sa sikat na video strea­ming platform.

Umabot na rin sa higit 53.5 bilyong lifetime views nasabing channel noong Hunyo 2022, ayon sa global video measurement at analytics platform na Tubular Labs.

At habang wala silang franchise, mas marami nang programa ang matututukan ng viewers sa YouTube dahil available na sa primetime weekends ng Kapamilya Online Live ang ilang Made for YouTube exclusive shows.

Kabilang dito ang tambalan nina Maris Racal at Carlo Aquino sa How to Move On in 30 Days, ang unang co-production ng YouTube sa Pilipinas na mayroon nang higit 20 milyong combined views. Napapanood ang serye tuwing Sabado ng 9 p.m.

Samahan naman si Alora Sasam tuwing 10:30 p.m. para sa quiz show na IQ Ang Nagwagi, kung saan nakikipagkulitan ang aktres kasama ang iba’t ibang Kapamilya stars habang sumasagot sila ng nakakatawang mga trick question.

Pwede namang maki-bonding at makipag-chikahan sa It’s Showtime All Access para sa isang behind-the-scenes kwentuhan kasama ang hosts at staff ng noontime program tuwing 10:45 p.m.

Makihugot din sa sari-saring kwento ng pag-ibig sa Dear MOR: Celebrity Specials tuwing 11 p.m. Tampok sa mga episode sina Karina Bautista at Aljon Mendoza, Kiara Takahashi at Benedix Ramos, at Vivoree Esclito at Zach Castañeda.

Isang gabing puno ng kantahan naman ang handog tuwing Linggo simula 9 p.m. para sa One Music Play PH. Maki-jamming at alamin ang mga kwento sa likod ng ilang mga kanta ng OPM artists sa The Music Room at Gold School, at panoorin din ang live performances sa Yeng Constantino: Salamat sa Sampung Taon at Double Hearts Digital Concerts.

Samantala, napapanood pa rin nang libre at on-demand ang livestreaming ng Kapamilya Online Live kung saan ipinapalabas ang ABS-CBN teleseryes na FPJ’s Ang Probinsyano, 2 Good 2 Be True, A Family Affair, at Love in 40 Days.

Unti-unting nagkakaroon ng transition ang ABS-CBN sa pagiging isang digital company.

vuukle comment

SHOWTIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with