^

PSN Showbiz

Bong, enjoy sa kanyang mga pa-live sa social media

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Bong, enjoy sa kanyang mga pa-live sa social media
Bong
STAR/ File

Marami ang natutuwa sa mga inilalabas ni Bong Revilla sa kanyang Facebook Live.

Marami rin ang nakakapansin na abala siya sa pagkuha ng shots sa mga okasyon kung saan nandu’n siya.

Naging personal happiness na niya na kumukuha ng materyal para sa kanyang social media account.

Cute para sa iba, pero meron ding pumupuna dahil isa nga naman siyang Senador pero parang ordinaryong tao na nag-selfie ‘pag nasa mga sosyalan.

Para sa akin walang masama sa ginagawa niya, nakakatuwa nga na nakikita mo ang effort niya para sa kanyang social media account. Iyon nga lang, kung minsan dahil isang malaking cele­brity si Bong aside from being a senator kaya ‘pag ginagawa niya ito parang nakakaagaw eksena siya sa iba.

Pero in fairness kita mo ‘yung effort niya ma-reach out ang mga tao sa pamamagitan ng kanyang social media account.

At ‘yung happiness niya na personal niya itong nagagawa. Dahil nga sa ginagawa niyang ito mas marami siyang nari-reach out na tao, at nagiging outlet din niya sa artistic juices niya.

Cute naman si Bong  enjoy sa ginagawa, kaya huwag na tayong killjoy na pati iyon ay pinapansin. Stress reliever din niya sa rami ng problema na hinaharap ngayon ng bayan natin. Kaya cool lang, walang basagan ng ilusyon noh!

FF ni Dingdong, extended!

Mukhang maganda ang rating ng Family Feud dahil naririnig namin na mukhang extended na ang programa ni Dingdong Dantes.

Talaga kasing very interesting ang mga tanong at sagot kaya naman marami ang nabibigla sa mga contestant.

Cute din na napapanood mo ang celebrities na natataranta sa pagsagot, at nakakatuwa reaction nila ‘pag nanalo.

Makikita mo rin ang galing ni Dingdong as host na hindi intimidating at very supportive sa mga contestant.

Masaya ang programa at marami ang natutuwang manood na tawag nila Team Family Feud.

Sana nga ma-extend dahil isa ito sa paborito kong panoorin sa TV.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with