^

PSN Showbiz

Kim Domingo, nakipagsiksikan para kay Cha Eun-Woo

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kim Domingo, nakipagsiksikan para kay Cha Eun-Woo
Kim
STAR/ File

Massive talaga ang fans ng mga K-pop artist sa ating bayan.

Kahapon ng umaga ay nagkaroon ng slight chaos sa Novotel Cubao dahil sa pila ng mga bibili ng ticket para sa K-pop artist na darating sa bansa para sa meet and greet, si Kim HanBin (B.I).

As early as 4:00 a.m. daw ay andun na sa pila ang ibang fans para makakuha ng queue number dahil 10:00 a.m. pa ang start ng pre-selling ng tickets.

Pero nagkawalaan daw sa pila kaya umaga pa lang trending na rin ito.

Ang Kapuso star naman na si Kim Domingo ay dumiretso rin sa Gateway para naman pumila sa ticket ng Korean actor na si Cha Eun-Woo na magkakaroon din meet and greet uli sa Pilipinas.

“Straight from work, no sleep yet but it’s all good,” post pa ni Kim.

Mas grabe ang fans sa bentahan ng mga ticket ni Cha Eun-Woo na sumikat sa mga Korean drama na My ID Is Gangnam Beauty, Rookie Historian Goo Hae-ryung at marami pang iba at member din siya ng K-pop group na Astra.

Sa IG story ni Kim, makikita kung paanong sumugod ang fans sa pilahan ng ticket ng nasabing Korean actor na napanood din sa K-drama na True Beauty at napapabalitang magkakaroon na ng Hollywood movie.

Bago nag-pandemic ay nagkaroon na ng meet and greet si Cha Eun-Woo sa Kia Theater.

Grabe ang Pinoy fans talagang naka-focus na ang admiration nila sa Korean artists.

Bukod sa mga Korean artist na nakatakdang mag-meet and greet sa Pilipinas, ang dami pang ibang naka-schedule na international ar­tist na mag-concert sa ating bayan.

Ang LANY, American pop rock band, five nights ang concert sa MOA Arena dahil ang bilis na-sold out ng mga ticket.

Hindi mumurahin ang mga ticket nito pero nag-offer sila ng VIP package na may kasamang pictorial with the group plus short Q & A.

Imagine five nights.

Sa kasalukuyan ay wala pang local artist ang naka-sche­dule mag-concert sa MOA Arena.

Pero ‘pag foreign artist at may volleyball or basketball naman, apaw ang nasabing venue.

vuukle comment

KIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with