^

PSN Showbiz

Maine absent sa oath-taking, Cong. Arjo may bill agad na maging film and tv arts capital ang QC!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Maine absent sa oath-taking, Cong. Arjo may bill agad na maging film and tv arts capital ang QC!
Cong. Arjo at Ria.

“Isa ako sa pinaka masayang Ina sa araw ng iyong panunumpa bilang Congressman ng Distrito Uno ng lungsod ng Quezon City,” umpisa ng veteran and award winning actress Sylvia Sanchez sa kanyang oath-taking post ni Cong. Arjo Atayde, eldest son nila ni Art Atayde.

“At sa araw na ito anak July 1, 2022 (kahapon) ikaw na ang official na nakaupo bilang Congressman ng Distrito Uno walang mapagsidlan ang kagalakan ko sa tagumpay mo. Pinaglaban mo ang gusto mo, ang laman ng pusot’ isip mo at pinatunayan mong tama ka. Iba ka manindigan anak!!

“Habang pinapanood kita, tinatawanan ko nalang lahat ng pagod, hirap, pangu­ngutya sayo at sa pamilya natin dahil bago ka daw at walang alam at artista lang at kung ano ano pang masasakit na salitang ipinukol sayo,” sabi pa niya.

“Lahat ng yon napawi habang pinapanood kitang nanunumpa bilang Bagong Congressman ng Distrito uno. Napaka proud ko sa mga oras na yon pero bilang isang ina habang pinapanood kita, pasensya na anak, di ko maalis na manumbalik sa isipan ko na ito ang batang kinutya, pinagtawanan, nilait at hinusgahan pero wala akong nakita o narinig na pambabastos mo sa mga taong bumatikos syo, bagkus ang tanging sinabi mo lang sa akin, hayaan mo sila Mommy, wag tayong sumabay sa pambabastos nila, hindi tayo tulad nila.

“Sige anak, abutin mo lahat ng pangarap mo, gusto mong tumulong sa kapwa mo, gawin mo lahat yan. Ikalat mo sa Distrito Uno ang Respeto, Pagtitiwala, Pagmamahal, Pag aalaga, Pagpapahalaga at magtanim ka ng Kabutihan sa mga nasasakupan mo at naway Gabayan ka ng DIYOS.

“Dito lang kami lagi ni Daddy at ng mga kapatid mo na handang tumulong at aagapay sayo,” ang proud na shoutout ni Sylvia sa anak na kuwento noon ng isang source ay ‘di raw naisip ng kalaban na tatalunin siya ni Arjo.

Pahabol pa ng aktres, sa bahay tatawagin niyang Arjo o gwapo Ogag ang anak pero sa labas tatawagin niya itong Cong. Nak.

First sabak ito ni Arjo kaya nakatikim siya ng mga panlalait.

Anim daw agad na bills ang ipinasa ni Cong. Arjo sa 19th congress at kasama rito ang pagde-declare sa Quezon City bilang Film and Television Arts Capital of the Philippines.

Wala naman ang girlfriend niyang si Maine Mendoza sa nasabing oath-taking ng actor.

vuukle comment

ARJO ATAYDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with