^

PSN Showbiz

Morissette, dalawang taon lang nang magsimulang kumanta

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Morissette, dalawang taon lang nang magsimulang kumanta
Morissette
STAR/ File

Mula pagkabata ay nakitaan na si Morissette ng potensyal ng kanyang mga magulang ng husay nito sa pagkanta. Dalawang taong gulang pa lamang daw noon ang singer nang nagsimulang umawit na gamit ang kanilang videoke machine. “May video machine kami sa bahay tapos iniwan nilang bukas. Lumabas ang pa­rents ko sa kwarto kung saan ang crib ko. For some reason naabot ko daw ‘yung microphone tapos habang nasa sala sila, may naririnig silang kumakanta ng You Are My Song. Tapos no’ng bumalik daw sila sa kwarto, ako kumakanta tapos nakatingin ako sa TV as if alam ko ‘yung binabasa ko at two years old. Nakitaan nila ako ng potential, sobra po nila akong sinuportahan talaga sa music. Hanggang sinamahan ako sa mga singing contest. Noong una sa school muna hanggang sa mga fiesta, radio station sa Cebu, mga mall. Hanggang sa nakapanalo na sa mga singing competitions. Napakarami kong pinagdaanan throughout my childhood sa mga singing competitions,” nakangiting kwento ni Morissette.

Kamakailan ay mainit na tinanggap ng pamunuan ng TV5 ang singer. Matatandaang naging contestant si Morissette ng Star Factor na programa rin ng Kapatid network mahigit isang dekada na ang nakalilipas. Ngayon ay kasama naman ang singer bilang isa sa mga Jukeboss ng Sing Galing Kids na mapapanood tuwing Sabado ng gabi sa TV5 simula July 16. “Actually, sobrang heartwarming for me to be returning sa Kapatid network and to do Sing Galing Kids, most importantly. I feel like this is an opportunity na pati ako maggo-grow and just experience and be with kids and to impart ‘yung mga natutunan ko rin. Kaya naman mga Kapatid, Ka-awitbahay, I’m baaaack! I am so excited to be experiencing and just to continue growing po dito sa Kapatid network and with all of you,” pahayag ng tinaguriang Asia’s Phoenix.

Isang malaking karangalan para kay Morissette na makatrabaho ang ilan sa mga pinakasikat na personalidad pagdating sa kantahan katulad nina Rey Valera, Gloc 9, Ethel Booba at Jona. “Sobrang humbled po ako to be alongside legends po talaga in the Philippine music industry. Of course nakikita-kita ko sila sa ibang ganap and to be able to do Sing Galing Kids with them is sure ako na hindi lang ‘yung kids ‘yung may matututunan, pati ako. To be able to hear from them and even our hosts (Randy Santiago, Donita Nose at K Brosas) as well. I am very sure na marami akong matututunan sa kanilang lahat individually and all together,” giit ng singer.

Bilang isang Jukeboss ay nakahanda palagi ang Asia’s Phoenix na ibahagi ang lahat ng kanyang kaalaman sa pagkanta. Tutulungan ni Morissette ang contestants o Sing Kulits upang maabot ng mga bata ang kanilang pangarap. “In my decade in the industry, maraming ups and downs and marami akong natutunan. I want to be that ‘Ate’ to share what I’ve been through. Kasi galing ako sa kung saan man sila ngayon na nagko-contest. Makaka-help ako sa kanila na hindi masyadong kabahan kasi alam ko naman na dadaan talaga do’n ‘yung kaba. Just to be able to share tips and share with them what I’ve been through and hopefully may ma-learn din siguro sila sa mga napagdaanan ko,” paglalahad ni Morissette.

Samantala, patuloy pa ring napapanood sa TV5 ang Sing Galing tuwing Lunes, Martes at Huwebes, 6:30 p.m. Napapanood din sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang naturang programa sa pamamagitan ng TFC o The Filipino Channel.   

 (Reports from JCC)

vuukle comment

TV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with