^

PSN Showbiz

MMK, bibigyang pugay ang reyna ng Ph Cinema Susan Roces

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
MMK, bibigyang pugay ang reyna ng Ph Cinema Susan Roces
Susan Roces.

Bibigyang pugay ng Maalaala Mo Kaya ang Reyna ng Pelikulang Pilipino na si Susan Roces sa hindi matawaran nitong kontribusyon sa industriya ng showbiz sa pag-ere nito ng isa sa mga hindi malilimutang episode nito na pinamagatang Basura ngayong Sabado (Hunyo 25).

Balikan ang buhay ni Lola Angge (Susan), isang lola na nagpapanggap mamuhay bilang reyna ngunit ang katotohanan ay nakatira lamang sa maliit na bahay na puno ng kanyang koleksyon ng basura ngayong Sabado Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC.

Beauty, labis ang paghanga kina Ariel at Sid

Feeling blessed daw si Beauty Gonzalez na makatrabaho ang award-winning actors na sina Ariel Rivera at Sid Lucero sa GMA Afternoon Prime series na The Fake Life.

Sa #KPRGAsks video sa Kapuso PR Girl Facebook account, inamin ni Beauty na talagang hanga siya sa pag-arte ni Ariel gayundin ang mahusay na pagganap ni Sid sa kanyang karakter.

Tiyak daw na maraming madudurog ang puso, maiinis sa mga eksena, at mapapamahal sa kwento ng kanilang serye.

Boto ng akademya, nakuha ng ASAP Natin ‘To at ni Angel

Lubos na nagpapasalamat ang ASAP Natin ‘To family at Kapamilya star na si Angel Locsin sa iginawad sa kanilang pagkilala ng mga guro at mag-aaral sa likod ng 9th Paragala: The  Central Luzon Media Awards 2022.

“Taos-puso kaming nagpapasalamat sa Holy Angel University Paragala for making ASAP the Best Musical Variety Show,”  ani Ogie Alcasid, Erik Santos, Jed Madela, at Kim Chiu sa kanilang pagtanggap ng pinakabagong parangal para sa pinakamatagal na musical variety show sa bansa.

Samantala, Paragala Pang Lingkod Bayan naman ang ibinigay kay Angel, na kilala rin para sa kanyang mga adbokasiya at pagtulong lalo na tuwing may sakuna.

Sa kanyang video message, ibinahagi ng “real-life Darna” ang kanyang award sa volunteers at donors na walang pagod tumulong sa ating mga kababayan. Hinimok din niya ang mga manonood na laging mag-malasakit sa isa’t isa.

“Ang pakikipagkapwa-tao naman po ay responsibilidad po nating lahat bilang tao. Meron man tayong kakayahang makatulong o wala, ang importante ay makapagbigay tayo ng ngiti sa ating kapwa,” aniya.

 Ginanap noong Hunyo 17 sa Holy Angel University ang Paragala, na sinasabing pinakamalaking student-based award giving body sa bansa.

Sam Concepcion at Shanaia Gomez, nagpapakilig sa music video

Mula sa trending Diwata music video, bumida naman ngayon si Sam Concepcion sa Ikaw Ang  music video kasama ang rapper na si Yuridope at dating PBB Kumunity Season 10 housemate na si Shanaia Gomez.

Tampok sa nakakaindak na video si Sam na nahanap na sa wakas ang ‘diwata’ na si Shanaia na dati nang bumihag sa puso niya.

Mula sa direksyon ni Edrex Sanchez ang MV na napapanood na ngayon sa Tarsier Records YouTube channel. 

Kumuha ng inspirasyon sa Ikaw ni Yeng Constantino ang kantang Ikaw Ang nina Sam, Yuridope, at music producer na si Moophs kung saan tampok din si Yeng.

 

vuukle comment

SUSAN ROCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with