^

PSN Showbiz

Caridad Sanchez, tumatakbo pa rin

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Caridad Sanchez, tumatakbo pa rin
Caridad
STAR/ File

Malakas na malakas pa ang veteran actress na si Caridad Sanchez. Kabaliktaran ito sa lumabas na story sa isang entertainment portal na ‘the late veteran actress Caridad Sanchez’.

In fact, nagpa-second dose pala ang senior actress ng booster para sa COVID-19.

Ayon sa anak nitong si AJ (Alexander Joseph) Babao na kasama niya sa bahay at nag-aalaga sa kanilang ina, malakas na malakas ito physically bagama’t nagiging makakalimutin ito dala na rin ng edad. Turning 89 si Caridad. “Low signal naman talaga memory from time to time but compensated sa physical.. grabe.. up and down pa yan sa white plains parang bundok. May Kasama nga lang. Kasi ingatan Namin ang Bali senior na eh. Hingal din Yung Kasama Niya na 26year old hahahaha,” ayon kay AJ kasama ang isang video habang tumatakbo ang kanyang mom sa White Plains.

Kabilang din si tita Caridad sa mga nakiramay sa pagpanaw ni Ms. Susan Roces last Monday night na nakatakdang ihatid ngayon sa libingan.

So saan kaya napulot ang nasabing story na ‘the late’ na si tita Caridad?

Anyway, ang nasabing story ay nag-umpisa sa pag-agree ni Lea Salonga sa ‘some thoughts on writing a eulogy’ ni Cathy Sanchez Babao, anak ni Ms. Caridad Sanchez.

Ayon kay Lea, “Thanks for this. It’s in such poor taste when someone hijacks the opportunity to speak in order to make it about themselves and only themselves,” sa shoutout nga ng writer na anak ni tita Caridad na animo’y reaction sa mga ‘eulogy’ sa wake ng Queen of Philippine Movies.

Hindi magkasundo ang magkapatid na AJ at Cathy pero ang una ang kasama at nag-aalaga sa beteranang aktres.

Social media star, in a nega way!

Social media ‘star’ ang sport personality (in a negative way) si Northport Batang Pier player Robert Bolick na ikinasal sa influencer Cassandra Yu noong May 23 at ex ng volleyball star na si Aby Maraño.

Lumalabas sa mga kuwento na jina-justify nito ang pagiging cheater noong sila pa ni Aby kaya sinira-siraan nito ang ex.

Grabe, trending siya hanggang kahapon ng umaga at tinaob nila ang ibang eskandalo sa showbiz na lately ay laylay at walang gaanong pinag-uusapan.

Pulos pagandahan ngayon ng image at pagalingan para mapansin ang karamihan sa showbiz. Hahaha.

Anyway, may lalaki palang ganun up to now, kiss and tell. Noon sa mga kaibigan lang naki-kiss and tell, ngayon sa social media na, mga Marites ng digital world.

Walang preno, kahit mali-mali ang mga word, very jejemon.

Anyway, iba talaga ang epekto ng social media, ngayon lahat feeling influencer na.

vuukle comment

CARIDAD SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with