^

PSN Showbiz

Kelley Day, nagsalita sa pagiging third party...

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kelley Day, nagsalita sa pagiging third party...
Kelley Day
STAR/ File

Laging sabit ang pangalan sa may-asawa

Nag-react si Kelley Day pati na ang ilang taong malapit sa kanya dahil siya ngayon ang tinuturong dahilan ng diumano’y hiwalayan nina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Nang pumutok ang isyu ng mag-asawang Tom at Carla, ang dami nang nagtatanong kung may third party ba na involved. Doon naglalabasang may babae raw na nahuli, pero pawang haka-haka lamang ‘yun. May nagparating din ng kuwentong nagsisimula raw sa letrang K ang name ng girl.

Hanggang sa pinag-usapan din ito nina Tita Cristy Fermin at Rommel Chika sa kanilang radio program.

May nag-text kasi kay Tita Cristy kung sino itong girl, at pa-blind item na binasa niyang ang apelyido raw ay puwedeng Monday at iba pang araw.

Marami rin ang nakahula kung sino ang tinutukoy dahil nagkasama sina Tom at Kelley sa The World Between Us ni Alden Richards.

Nakausap ko nung kamakalawa lang ang isang taong malapit kay Kelley at itinatanggi niya ang naturang isyu. Kamakailan lang ay umalis daw si Kelley pa-London dahil sa pumanaw raw ang lola niya at kailangan daw niyang makipaglibing.

Baka isipin daw ng iba na baka buntis ito dahil biglang lumayas ng Pilipinas. Babalik naman daw agad si Kelley sa susunod na buwan, dahil may mga iba pa siyang gagawin sa GMA 7.

Nilinaw ito ni Kelley sa kanyang Instagram account. Tahasan niyang sinabing fake news itong kumakalat na idinadawit siya sa isyu ng mag-asawang Tom at Carla.

Hindi naman niya binanggit ang pangalan ng mag-asawa, pero mariin niya itong itinanggi. Bahagi ng ipinost niya sa kanyang IG Story kahapon; “Truth: I’ve travelled to the UK to attend the funeral of a family member, and to spend time with my UK-based family.

“I’m not pregnant (nor have I ever been). I have never had anything close to romantic involvement /inte­rest with the person. I have, and always wlll the utmost respect for the Couple. They have always treated me with kindness.”

Nagtataka nga raw sila na ang hilig daw intrigahin si Kelley sa mga lalaking may asawa. Na-link din kasi noon ang beauty queen/actress sa isang sikat ding aktor na may asawa’t anak, pero ayaw na raw niya itong patulan pa.

Ilang beses ko nang kinulit noon kay Kelley ang pagkaka-link niya sa aktor na ‘yun pero ayaw na niyang sagutin.

Aktor, nilinaw ang pagpapalayas sa kasambahay na inuubo

Nag-react naman ang sikat na aktor nang nabasa niya ang kuwentong pinalayas ang kasambahay dahil sa ayaw magpa-swab test. Knows ni aktor na siya ang tinutukoy, kaya kinorek niya ito sa akin.

Nakiusap siyang huwag na lang banggitin ang pangalan niya at okay na raw ang blind item. NIlinaw niyang hindi naman daw pinalayas.

Nung nag-decide daw kasi ‘yung kasambahay na umalis na lang kesa sa magpa-swab test. Naawa naman daw si aktor sa kanya. Kaya sinabihan na lang daw si kasambahay na magpahinga muna ng dalawang linggo, para gumaling ang ubo niya.

Gusto lang naman daw ni aktor na matiyak na safe ang mommy niya, kaya mabuting i-quarantine muna ‘yung kasambahay nila.

Tatanggapin naman daw nila kung type nitong bumalik sa kanila. Ngayon ay okay na raw si kasambahay at naka­balik na raw sa kanila.

Naintindihan naman daw siyang gusto lang niyang iwasang mahawa sa Omicron ang kanyang ina na binabantayan nitong si kasambahay.

Marami naman ang nakaintindi kay aktor kung bakit ginawa niya ‘yun.

Lahat naman tayo ay napapraning na ngayon sa mga nangyayari, kaya mas mabuti ang ibayong pag-iingat, lalo na kung may senior citizen sa bahay.

vuukle comment

KELLEY DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with