^

PSN Showbiz

Kris, itinangging naghihingalo na siya!

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Tila nanahimik na ang TikTokers na napakasipag magkalat ng kuryenteng balita tungkol sa kalagayan ni Kris Aquino.

May isang account na naka-ilang parts siya sa mga ipinost sa TikTok, na ipinapalabas na malubhang-malubha na raw ang actress/TV host at social media personality.

Meron pa ngang may mga kaibigan din sa showbiz na tila natutuwa pang nagba-blind item tungkol sa isang female personality na naghihingalo na raw.

Obvious naman kung sino ang tinutukoy, dahil ang dami na raw nagpu-post sa TikTok.

Pero nitong huling pag-check ko sa TikTok, wala na ako gaanong nakitang post na nagkakalat lang ng fake news sa kalagayan ni Kris.

Nilinaw na mismo ni Kris sa kanyang Instagram account nung nakaraang Lunes ng gabi na hindi totoo ang mga kumakalat na balita tungkol sa kanya. Bahagi ng mahaba niyang post; “It’s been disturbing that since Friday so many have been spreading fake news about me being either in St Luke’s BGC or the States but always with the same theme, that i’m in the ICU and in critical condition. NONE OF THAT IS TRUE.

“Ayaw akong tigilan ng #fakenews and parang sobrang excited yung mga trolls na within 1 year both Noy & me would pass away.

“Sorry to disappoint pero buhay at ilalaban pa na mapahaba ang oras ko because kuya josh & bimb still need me.”

Nagpapasalamat si Kris sa lahat na mga nagpapadala ng mensahe sa kanya, flowers, fruits, pagkain at balloons para iparating ang kanilang hangarin na gumaling na ito.

Boy, sinupalpal ang mga nanlait

Mataas nga ang rating ng The Jessica Soho Presidential Interviews na ipinalabas sa GMA 7 nung nakaraang Sabado, Jan. 22.

Naka-16.2 percent ito at matagal ding nag-trending sa Twitter.

Nung Lunes ay nagsimula na rin ang The 2022 Presidential One-on-One Interviews ni Kuya Boy Abunda. Si Sen. Ping Lacson ang una niyang in-interview at ang dami ring nanood nito.

As of yesterday ay naka-1.5M views na ito at karamihan ay pinuri ang interbyung ‘yun na pinaghandaan naman talaga ng Asia’s King of Talk.

Hindi pa nagsimula ang One-on-One Interview ni Kuya Boy ay kung anu-ano nang panlalait ang komento ng ilang netizens.

Baka i-showbiz lang daw ito ni Kuya Boy na magpa-fast talk ng ‘sex or chocolates.’

Nasupalpal silang lahat, dahil kumpleto, well-researched at ang dami nating nalaman sa kinakapana­yam na presidentiable.

Kahapon ay ang dating Sen. Bongbong Marcos ang isinalang, at susunod sina Mayor Isko Moreno, Sen. Manny Pacquiao at Vice Pres. Leni Robredo.

Pagkatapos kong napanood ang interview ni Kuya Boy kay Sen. Lacson, pinatunayan ni Kuya Boy na huwag nilang menos-meno­sen ang mga taga-showbiz dahil marurunong sila.

Aktor, pinalayas ang kasambahay na tumangging magpa-antigen

Dahil na rin sa kapraningan ngayon sa patuloy na pagkalat ng Omicron variant ng COVID-19, pinalayas ng kilalang aktor ang kasambahay nila na nagbabantay sa kanyang inang senior citizen.

Napansin kasi nilang madalas ang pag-ubo ng kasambahay na siyang nag-aalaga pa naman sa nanay ni aktor, kaya sinabihan niya ang kasambahay na ipa-antigen test niya ito.

Ayaw raw ng kasambahay, dahil natitiyak daw niyang wala siyang COVID.

Hindi mo rin masisisi si aktor, dahil nag-iingat lang silang lahat. Kaya pinapili raw niya ang kasambahay, kung magpapa-antigen test at kapag negative naman ang resulta, manatiling magsisilbi sa kanila. Pero kung panindigan nitong hindi magpa-antigen test, lumayas na lang.

Kaagad nag-empake si kasambahay ng mga gamit niya at lumayas na.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with