^

PSN Showbiz

Ruru at Kylie, inaming may selosan noon

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ruru at Kylie, inaming may selosan noon
Kylie at Ruru
STAR/ File

Ang daming natuwa sa Real Talk na tsikahan nina Ruru Madrid at Kylie Padilla sa YouTube channel ni Ruru.

First part pa lang ng kuwentuhan nila ang in-upload kamakalawa lang at nakikita mong nag-e-enjoy sila.

Ang tingin nga namin, kung hindi lang sila may kanya-kanyang karelasyon, baka nagkagustuhan din sila.

Pinag-usapan nila ang tandem nila sa Encantadia at sa TODA One I Love, pero hanggang friends lang talaga kasi nga may Aljur Abrenica noon si Kylie, at may Gabbi Garcia pa noon si Ruru.

Sabi nga ni Kylie; “Hindi lang na-build ‘yung friendship. May wall talaga.

“Dumistansya talaga ko nung time na ‘yun kasi may mga nangyayari behind the scenes na…oo eh. Kailangan kong umiwas na walang magselos. ‘Yung ganun. Siyempre respect na lang.

“Natatakot na ako na ayoko ng gulo both sides.”

Sinasabi ni Ruru na nakaka-inspire raw katrabaho si Kylie dahil talagang nakikita kung gaano ka-dedicated ang aktres sa trabaho.

“Hindi puwedeng hindi mo ako ma-inspire kung paano ‘yung pagtatrabaho mo. Never kita nakitang nagreklamo kahit pagod na,”  puri ni Ruru kay Kylie.

Nagkaroon lang daw ng chance na makapag-usap sila nang masinsinan nang magkasama sila sa isang appearance sa Davao. “Sobrang happy ko nun na finally, nakausap ko na si Kylie.

“Nung time na ‘yun parang naweirduhan ako…siguro malaking bagay na ‘yun na meron tayong someone. Malaking bagay ‘yun na siyempre merong someone, tina-try nating pigilan ang sarili natin na baka may magselos, which is understandable,” pakli ni Ruru.

“Ano ‘yung sinasabi mo? Anong pigilan, bakit na-in love ka na ba?” natatawang buwelta ni Kylie kay Ruru.

“Ayusin mo kasi ang wording mo. ‘Yung kailangan nating pigilan. Ano ‘yung pipigilan?” natatawa pa uling pahayag ni Kylie.

“’Yung pag-uusap lang, kasi baka may magselos,” depensa naman ni Ruru.

Pero dun nga namin nakumpirmang nagkakaroon talaga ng selosan noon nang mag-work ang KyRu loveteam sa Encantadia.

Totoo ngang pinagseselosan talaga noon ni Gabbi si Kylie, at si Aljur naman kay Ruru.

Pero pareho na silang nakapag-move on lahat.

Ang maganda lang dito ay napanatili ang magandang friendship at nagsama sila uli.

Nabuhay ang KyRu fans nang magsama sila uli sa Regal Studio Presents. Pero wala pang plano ang GMA 7 kung may show na pagsasamahan ang dalawa.

Iri-resume na ni Ruru ang Lolong na talagang kinarir niya ito nang husto. Si Kylie naman ay pinaghahandaan din ang Bolera na kung saan ay gaganap siyang Billiard genius, at si Rayver Cruz naman ang makaka-partner niya.

Pero masaya si Ruru sa pagbabalik ni Kylie na sinasabi naman niyang isa ito sa nagbigay ng inspirasyon sa kanyang career.

“Sobrang happy lang kami na you’re back na nagkatrabaho na tayo,” sabi ni Ruru kay Kylie.

vuukle comment

RURU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with