^

PSN Showbiz

Acting ni Zaijian, natulungan ng online games

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Acting ni Zaijian, natulungan ng online games
Zaijian
STAR/ File

Si Zaijian Jaranilla ang gaganap bilang anak nina Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo sa The Broken Marriage Vow. Mapapanood na ito simula ngayong Lunes sa Kapamilya Channel. Sobrang na-enjoy umano ng aktor ang kanilang lock-in taping sa Baguio sa loob ng dalawang buwan. “Sob­rang ganda ng Baguio, bilang artista kasi minsan nakadepende din ako sa weather eh, ‘yung sa atmosphere ng location, parang gano’n. So ang laking bagay sa akin. Saka ‘yung mga damit, siyempre hindi ka naman pwede magsuot ng mga jacket sa Manila dahil sobrang init. Ang laking tulong din ng weather ng Baguio,” paglalahad ni Zaijian.

Mabibigat ang mga eksena ng binata sa bagong proyekto. Para kay Zaijian ay malaki ang naitulong ng kanyang hilig sa online gaming sa totoong buhay upang bumitaw mula sa kanyang karakter sa tuwing matatapos ang taping. “Malaking tulong sa akin ‘yung games kasi parang napupunta ako sa ibang mundo. Nai-enjoy ko ‘yung sarili kong company. Saka si mama Jodi, nag-a-accupuncture sa tenga. So ang laking factor din ‘yon. Nawawala ‘yung stress namin sa taping. May mga gano’ng ganap kaya siguro ‘yon ‘yung pagpag na sinasabi ko,” kwento ng aktor.

Malaki ang pasasalamat ni Zaijian dahil aktibo pa rin sa show business hanggang ngayon. Matatandaang sumikat ang walong taong gulang na aktor pa lamang noong 2009 bilang si Santino sa teleseryeng May Bukas Pa. “Kasi parang gusto ko talaga ‘yung ginagawa ko. Saka mahal ko ‘yung trabaho ko, ‘yung dedication ko din. Isa din sa gusto ko kaya pinagpatuloy ko ‘yung journey ko sa showbiz kasi marami akong nakikilala na ibang tao at natututunan sa kanila,” giit ng binata.

AJ, ayaw ipasok sa utak na kilala na

Nakilala si AJ Raval bilang isang sexy actress dahil sa tema ng mga pelikulang kanyang nagawa. Nanga­ngarap umano ang anak ni Jeric Raval na makilala rin sana ng mga manonood bilang isang maga­ling na aktres. “Honestly hindi ko tini­tingnan ‘yung sarili ko na maingay ‘yung pangalan. ‘Yon ‘yung number one na tinuro sa akin ng tatay ko na huwag ko ipapasok sa isip ko na kilala ako. This year I’m hoping na sunud-sunod pa rin ‘yung projects. And siyempre, self improvement this year. Sarili ko lang ‘yung iniisip ko muna ngayon. Mas maging magaling ako sa work, mas ma­ging maayos. Gusto kong makilala hindi lang sa pagpapa-sexy. Siyempre gusto ko makilala na magaling sa acting at may talent,” paliwanag ni AJ.

Kapag walang trabaho ay maraming mga bagay ang pinagkakaabalahan ng aktres. Nagkaroon din ng hilig si AJ sa pagpapaganda ng kanyang kotse. “Pampalipas ng oras ko is nagse-set up ako. Nag-a-upgrade, nagpapalit ako ng mags, bumper. Sinasabayan ko din na nagva-vlog ako ‘pag walang ginagawa. Nagwo-workout din ako. Nagte-training na ako ng Muay Thai,” pagbabahagi ng sexy actress.

(Reports from JCC)

vuukle comment

ZANJOE MARUDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with