^

PSN Showbiz

Ellen at Derek, papasukin ang construction business

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ellen at Derek, papasukin ang construction business
Ellen at Derek

Espesyal kay Derek Ramsay ang birthday celebration niya kahapon dahil may misis na siya. Sa nakaraang interview sa kanya ni Noel Ferrer sa Radyo Katipunan, kitang-kita ang masayang Derek.

Kahit sa mga post nila ni Ellen Adarna sa kani-kanilang Instagram account, nakikitang masaya sila lalo na’t pinagtitripan nila ang isa’t isa. “We don’t care if we showed our flawed selves,” pakli ni Derek.

Pinagtatawanan na lang daw talaga nila ang kani-kanilang sarili. Pero sa totoo lang, sobrang bumilib si Derek kung gaano raw ka-devoted si Ellen bilang asawa at ina sa kanyang anak. Kahit sa panganay na anak ni Derek na si Austin ay kasundo ito ni Ellen. Talagang dininig daw ng Diyos ang dasal ng kanyang anak na kung sakaling makakita ng lifetime partner ang kanyang ama, sana makasundo raw niya ito.

Sa ngayon ay may ibang plano na si Derek. Gusto nila ni Ellen na mag-venture sa ibang business, kagaya ng construction. Nabanggit naman noon ng aktor na gusto niyang subukan ang isa pa niyang hilig, ang interior designing.

“I’m a sponge. I’ll never stop lear­ning. I’ve always been a risk taker but Ellen has given the courage to sign up with this company,” pahayag ng Kapuso actor sa interview sa kanya.

Sayang lang dahil may TV projects si Derek sa GMA 7 na hindi natutuloy. Okay naman daw sa kanyang gumawa ng series. Pero mas excited siya ngayon sa gagawin niyang international film na kukunan dito sa bansa. Ang latest, kasama na raw sa international film na ‘yun si Ellen.

Pagdating sa plano nilang honeymoon, baka ma-delay muna dahil nga sa mga latest na COVID variants na kumakalat sa ibang bansa. “I would love to go to Africa for our honeymoon and we’re taking Elias with us. Iba na napakaselfless kasi – “if we are there and something miraculous happens, we will always say - I hope Elias were here,” sabi pa ni Derek.

Ginagalang na Kapamilya personality, babalik sa GMA!

May isang kilala at iginagalang na Kapamilya TV personality na maaaring lilipat na rin daw sa GMA 7. Puwedeng sabihing magbabalik-Kapuso kung magkakaayos na sa mga gusto niyang shows na gagawin.

Pero wala pa talagang na-finalize sa ngayon. May gusto raw kasing gawin na show sa GMA News and Public Affairs, pero wala pang napapagkasunduan.

Ang latest lang na nasagap namin ay may ilang programang pinu-produce ng NAPA na nakatakda nang tsugihin. Ewan ko lang kung totoong apat na programa ang tatapusin kaya pinag-uusapan kung ano ang ipapalit.

Gusto naman daw nilang may ipalit na mga bagong programa para tuluy-tuloy pa rin ang trabaho ng mga production staff. Pero ang dami pa kasing problema sa ibang shows na pinu-produce nila gawa ng restrictions na ipinapatupad.

Kagaya nitong action-drama na Lolong, sa January na raw sila magre-resume pagkatapos mag-positive ang ilang taong involved sa naturang programa. Kaya tengga ang mga artistang bahagi rito at nganga ngayong Pasko ang mga production staff.

Nung nakatsikahan ko nga sa Bubble Gang mediacon sina Arra San Agustin at Mikoy Morales na nasa cast ng Lolong, napapangiti na lang sila dahil parang nagbakasyon na lang daw sila sa hotel, na pagkatapos ma-quarantine ng halos dalawang linggo, hindi pa rin pala matutuloy ang taping at pinauwi na lang muna sila. “Hindi ka naman puwedeng magsisi kasi hindi naman ginusto ‘yun ng mga tao,” pakli ni Arra.

“In a way, I see it, buti na lang din dun na lang nakita kesa sa magkakasama na kami nung mga nag-positive. Kesa dun na kaming lahat, mas nakakatakot ‘yun,” sabi naman ni Mikoy.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

ELLEN ADARNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with