^

PSN Showbiz

Vice naihi, naduwal sa Best Lifestyle / Entertainment Presenter sa Asian Academy

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Vice naihi, naduwal sa Best Lifestyle / Entertainment Presenter sa Asian Academy
Vice.

Si Vice Ganda pala ang kauna-unahang Pilipino na tinanghal na Best Lifestyle, Entertainment Presenter/Host sa ikaapat na Asian Academy Creative Awards (AACA).

Ito ay para sa kanyang pag-host ng prog­ramang Everybody, Sing! ng ABS-CBN, ang unang community singing game show ng bansa.

Kaya naman umaapaw ang ligaya niya nang malaman ang pagkapanalo.

Tweet ng It’s Showtime host, “Overwhelmed! Ang gulo ng pakiramdam! Naiihi ako na naduduwal na ‘di ko maintindihan. Nakakabaliw sa saya! Thank you Lord! This is unbelievable!”  

Si Vice rin ang tanging Pinoy na nanalo sa entertainment categories ng AACA. Matatandaang 11 na personalidad at programa ng ABS-CBN ang tinanghal na national winners na kumatawan sa bansa sa ginanap na AACA ngayong taon.

Noong nakaraang taon, ang Kapamilya star naman na si Arjo Atayde ang nagdala ng karangalan sa bansa bilang unang Pilipino na nanalo ng Best Actor in a Leading Role sa AACA.  Nanalo rin bilang Best News or Current Affairs Presenter/Anchor para sa Market Edge ng ANC si Cathy Yang noong 2019, habang ang MMK: Toy Car naman ang nagwagi ng Best Single Drama or Telemovie noong 2018 AACA. 

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with