^

PSN Showbiz

Alfred, personal na inaasikaso ang kandidatura ng kapatid

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Alfred, personal na inaasikaso ang kandidatura ng kapatid
Alfred at PM

Darating na naman ang hanging poinsettias na yearly gift sa akin ni Cong. Alfred Vargas. Ito ang lagi kong lambing sa kanya mula pa noon dahil favorite flower ko ang poinsettias na reminder talaga ng Christmas.

Imagine, binata pa si Alfred, ngayon tatlo na ang anak, pero nandun pa rin ang yearly gift niyang Christmas flo­wers sa akin.

Kaya naman mahal ko silang magkakapatid, na ngayon ay talagang mga orphan na dahil wala na ang father at mother nila.

Super close sila ni Coun. PM Vargas kaya naman parang mas ninenerbiyos pa si Alfred sa pagtakbo ng kapatid sa Congress dahil nga personal niya itong ginagabayan.

Sana nga tulad ni Alfred marating at makamit din ni PM Vargas ang kanyang dream.

Wish ko lang dahil mas magiging maligaya si Alfred ‘pag ang nakita niyang nagtagumpay ang bunsong kapatid.

Don’t forget, PM Vargas, a good public servant. Trustworthy at masipag.

Paolo, mas seryoso sa trabaho

Ang galing-galing talaga ni Paolo Contis sa I Left My in Sorsogon. Ang husay ng delivery niya ng dialogue at ang galing ng subdued acting niya.

Mahusay rin siya sa Bubble Gang bilang komedyante. Talagang isa siyang artista na madaling makuha ang timpla ng trabaho niya.

Isang bagay ang hahangaan mo kay Paolo ay ang dedication niya sa trabaho, ang professionalism niya at hindi siya nasa-sidetrack ng bumpy things sa buhay na nadaraanan niya.

Kaya naman meron siyang tatak sa bawat trabaho niya. Batang showbiz siya na lumaki sa industriya kaya naman halos lahat mahal at kilala siya.

Sana nga kahit ano pang storm ang dumating sa kanya malagpasan niya.

Sige, Paolo Contis, basta friends lang, huwag ka nang seryoso para wala nang sakit ulo, trabaho na lang. Basta iyan love, darating din, sa tamang panahon. Wait ka lang. Hah hah.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with