^

PSN Showbiz

Sine Kabataan Short Film Lab and Festival, P100,000 ang production grant

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sine Kabataan Short Film Lab and Festival, P100,000 ang production grant

Kasunod ng matagumpay na pagtatanghal ng ika-apat na Sine Kabataan Short Film Competition noong Setyembre, bukas na muli ang paanyaya ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa ikalimang edisyon nito para sa mga bagong story concept.

Bukas ang patimpalak sa mga filmmaker na may edad na 18 hanggang 30 taong gulang mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Kasama sa programa ng Sine Kabataan ang pagbibigay ng training sa filmmaking o film labs, para sa mga kalahok. Ito ay naglalayong mabigyang espasyo ang mga perspektiba ng kabataan sa mga isyung panlipunan, na inaasahang magpapayabong sa kanilang pagkamalikhain at orihinalidad sa pagkukuwento, nang may pakikilahok sa mga mahahalagang isyu.

Mula sa lahat ng kalahok ay pipili ng 20 story concepts na sasailalim sa mga film lab. Sampu sa mga ito ay tatanghaling finalist ng Selection Committee batay sa isang pitching showcase. Bawat isa sa sampung finalist filmmaker ay mabibigyan ng P100,000 grant upang isapelikula ang kanilang mga indibidwal na short film concept.

Sa pagluluwag ng mga restriction, ililipat ng FDCP ang mga film lab at iba pang mga kaganapan sa hybrid, o paggamit ng pinaghalong on-site at digital platform, upang isagawa ang mga training at nang mas mapaganda ng mga kalahok ang kanilang mga proyekto at linangin ang kasanayan ng mga nila sa film production.

“Witnessing the effectiveness of conducting film labs from the previous edition of Sine Kabataan, we are now on the lookout for a new batch of young filmmakers with their creative take on relevant societal issues through filmmaking. Now that we are shifting the Sine Kabataan events to a hybrid format, the filmmakers can fully utilize the film labs to further enhance their skills and projects,” sabi FDCP Chairperson and CEO Liza Diño.

Isinasagawa ang Sine Kabataan kasabay ang banner project ng FDCP na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) bilang kasamang youth film competition kung saan ipapalabas ang mga short film ng mga finalist sa buong bansa sa taunang PPP.

vuukle comment

FDCP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with