^

PSN Showbiz

Sharon, tatapatan ni Gabby

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Nakikiramdam kami kinabukasan kung ano nga ba ang reaksiyon ng mga tao sa paglabas ni Sharon Cuneta sa serye ni Coco Martin, pero maliban sa ilang press release na lumabas, wala kaming napansing pangmalakasang reaksyon. Maski sa mga kapitbahay o ilang nakakasalamuhang tao, walang sinasabi tungkol doon. Karaniwang pinagkukuwentuhan nila ang bago sa mga napapanood nila noong sinundang gabi.

Naniniwala naman kami na sa rami ng kakuwentuhan namin kahapon, imposibleng walang nanonood ng serye ni Coco, pero wala silang nababanggit na pagbabago. Dalawang dahilan ang nakita namin, siguro nga ang mga nanonood ng serye ni Coco ay fans ng action series, kaya sa kanila walang masyadong impact ang pasok ni Sharon.

Hindi naman kami makapag-comment talaga dahil hindi rin namin iyon napanood. Kung ganoong oras kasi ay may pinanonood kaming palabas sa EWTN.

Pero nagtataka lang kami, kasi noong araw, maging guest ang sa isang TV show si Sharon, ma­tindi na agad ang ratings. Ang isa pang naisip namin, baka nga ang hinahanap ng fans ni Sharon ay iyong show na kakanta siya at hindi magda-drama.

Ngayon kasi hindi mo makita ang standings ng shows ng ABS-CBN. Wala na kasi ang Kantar Media. Hindi naman sila nakakasali sa ibang survey dahil off the air ang kanilang free TV.

Unfair naman sa kanila na ang gawing basehan ay iyong audience share ng ZOE TV at ng TV5.

Nakakalungkot na sitwasyon iyan kung mananatiling ganyan, tapos sa pareho rin slot ipapasok ng GMA ang serye nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez. Magkaiba ang genre ng  dalawang serye, pero tiyak na pagkukumparahin ng fans dahil ang isa sa mga bida ay si Gabby samantalang sa isa ay kasama si Sharon.

Siyempre ang bentahe agad ni Gabby ay on the air sila sa isang istasyong 150KW ang power bukod pa sa pagkakaroon ng mas mara­ming provincial relay stations. Samantalang ang Kapamilya Channel ay sa cable lang at social media platforms.

Naka-babae

Tuwang-tuwa sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa ipinakitang video sa tele­bisyon nang gawin nila ang announcement na babae ang kanilang magiging panganay na anak.

Ayos nga iyon dahil pareho silang may anak nang lalaki. Lalaki ang anak ni Jennylyn kay Patrick Garcia, si Alex Jazz. Lalaki rin ang anak ni Dennis kay Carlene Aguilar na si Calix. Suwerte rin ng anak nilang babae, may dalawang kuya siyang magbabantay sa kanya.

Matagal na rin naman pala nilang alam iyan, pero inuunti-unti nga nila ang paglalabas ng mga impormasyon dahil ginagawa rin nila iyong content sa kanilang sariling vlog.

Dahil karamihan nga ng stars ngayon ay vloggers na rin, pigil ang impormasyon para mapanatili nila ang audience sa blog nila.

Semi-retired male star, nag-aalala sa ginawang kahalayan

Aminado ang isang semi-retired nang male star ngayon na na-discover ng isang network sa kanilang talent search, na siya ay gumawa rin ng sex video. Hindi naman kasi tumaas ang kanyang career kaya umuwi na lang siya sa probinsiya nila.

Aminado siyang dahil minsan, na­ngailangan siya ng pera, lumapit siya sa isang kakilala sa internet, at nagtangkang magpatulong. Nagsabi naman daw iyon na tutulong, pero humingi ng kapalit na sex video. Pumayag daw siya sa kasunduang matapos mapanood ay ide-delete naman agad iyon, pero siyempre hindi nga siya sigurado kung binura nga iyon. Hindi rin siya makasiguro kung hindi nga iyon ipinakita sa iba.

Kaya naghahanda na rin daw siya kung kakalat iyon. Hindi naman daw niya maikakaila iyon dahil talagang kita sa video ang kanyang mukha. Hanggang ngayon daw nakikiusap siya sa pinadalhan niya ng video na huwag ikalat iyon, at sinasabi naman sa kanya na burado na nga iyon. Pero siyempre, hindi siya nakakasiguro.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with