^

PSN Showbiz

Babaeng personalidad, paniwalang sikat na sikat siya!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Isang impormanteng hindi nanununog at nagunguryente ang nagkuwento kung paano binibigyan ng sakit ng ulo ng isang kilalang female personality ang mga taong namamahala sa kanyang karera.

Mukhang ekstensiyon ito ng mga naunang kuwento na kahit ang kanyang mga magulang ay hirap na hirap ding suhetohin ang babaeng ito.

Unang komento ng aming source, “Matigas pa sa bato ang ulo ng babaeng ‘yun! Napakatigas talaga ng ulo niya! Ewan naman kung saan siya nagmana!”

Kung ano ang kanyang magustuhan ay walang makakokontra. May sarili siyang mundo. Kung ano ang ipinagbabawal sa kanya ay ‘yun ang kanyang ginagawa.

Patuloy ng aming source, “E, wala pa naman siyang napapatunayan. Ang ganda niya naman, e, pangkontrabida! Nakikisukob lang naman siya sa popularidad ng mga kapamilya niya!

“May matinding paniwala sa sarili niya ang female personality! Akala niya, e, made na made na siya, sikat na sikat na siya, kahit pa ilusyon lang naman niya ‘yun!

“Binibigyan niya talaga ng kunsumisyon ang mga bossing ng network, lalo na ang direktang namamahala sa career niya! Matigas ang ulo ng babaeng ‘yun!” parang nanggigigil na kuwento ng aming impormante.

May katamaran kasi ang female personality. Mabigat ang kanyang katawan. Kahit oras na ng trabaho niya ay ipipilit pa rin niyang gawin ang kung ano ang gusto niya.

“Saan ka naman makakakita ng artistang sandaling break lang ang ibinibigay sa kanila, pero bigla na lang siyang mawawala. Kailangan na niyang sumalang, nandu’n na ang mga kaeksena niya, siya na lang ang wala!

“Day, nasa sasakyan niya ang girlash, sleeping beauty! Ganu’n kabigat ang katawan niya! At kapag bumalik na siya sa set, e, siya pa ang nakasimangot!

“Hindi siya marunong mag-sorry, siya pa rin ang tama kahit siya na nga ang cause of delay! Mala­king problema siya ng mga executives!” madiin pang kuwento ng aming source.

Kaya naman wala ring nangyayari sa karera niya, paganyan-ganyan lang ang mga trabahong ibinibigay sa kanya ng istasyon, dahil sa katamaran niya.

“At hindi lang ang career niya ang nagtampo, pati ang karelasyon niya, e, hindi na rin siya natiis, nagbabu na sa kanya!” panghuling clue pa ng aming source.

Ubos!

Kylie, matigas ang ulo!

Alam na namin ang dahilan kung bakit kinailangang burahin ni Kylie Padilla ang kanyang Twitter post nu’ng nakaraang Biyernes.

Ipinabura ‘yun sa kanya ng mga ehekutibo ng GMA-7. Ramdam na ramdam din ng mga ito ang kawalan niya ng respeto, naghahamon siya ng away, hindi nga naman makagaganda sa imahe ng network na may isang artista silang kapos sa respeto.

Ang repleksiyon nga naman ng ugali ng kanilang artista ay sa mismong istasyon. Lalabas na kapos sila sa pagdisiplina sa kanilang mga nasasakupang personalidad.

Nu’ng magkaroon sila ng problemang personal ni Aljur Abrenica ay pinaalalahanan na rin pala si Kylie ng mga ehekutibo ng istasyon na manahimik na lang. Huwag siyang maglalabas ng kung anu-anong cryptic posts sa social media na magbibigay ng palaisipan sa publiko.

Pero ginawa niya pa rin. Wala siyang pinakinggan. Sinunod niya ang kanyang gusto para lang ipaalam sa buong mundo na hiwalay na sila ni Aljur.

“Parang natutulog na yata ang babaeng ‘yun sa harap ng computer at phone niya. Baka nga nakakalimutan na niyang kumain at matulog dahil sa pagtutok niya sa social media!” sabi pa ng aming source.

Dahil sa pinalutang na ugali ng kawalan ng respeto ni Kylie ay maraming nagtatanong, may matinding problema raw ba ang anak ni Robin Padilla, kaya siya nagkakaganyan?

Ano ba ang bumabagabag sa babaeng ito para dumating pa siya sa puntong gusto na niyang saklawan pati ang karapatan ng mga manunulat?

Sabi ng kaibigan naming propesor sa aming kuwentuhan, “Nasubaybayan ko ang buhay at career ni Robin. Totoong babaero siya, pero ‘yun lang ang masasabi ng publiko tungkol sa kanya.

“Napakalaki ng respeto ni Robin sa mga produ­cers, sa mga kasamahan niyang artista lalo na sa maliliit, wala rin akong nababalitaang nambastos siya ng mga reporters.

“E, bakit ganyan ang anak niya? Bakit wala mang lang namanang ugali sa kanya? Anak ba niya talaga si Kylie? Ang layu-layo ng ugali nila!

“Maldita ang anak niya! Ang puhunan niya lang naman, e, ang pagiging anak ni Robinhood, ang itsura niya, e, pangkontrabida, ano ba ang ipinagmamalaki niya para maging entitled siyang umasta ng ganyan?” madiing komento ni prop.

Ma at pa!

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with