^

PSN Showbiz

Francine, napuri na laging nakangiti

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Francine, napuri na laging nakangiti
Francine

Si Francine Diaz na nga ang isa sa mga pinaka-in demand na batang aktres ngayon na pinakabagong endorser ng Dr. Alvin Skin Care Products para sa kanilang bagong Rejuvenating Set na nagkaroon ng press launching several days ago.

“Perfect ‘face’ for our brand si Francine. Maganda, confident at vibrant young lady. Bukod sa mga pisikal na katangian, nagustuhan namin na maganda ang ugali at me­ron nito si Francine. Palagi siyang magalang, masipag at mabait. At isa pa, palagi siyang nakangiti,” ani ng founder nitong si Dr. Alvin Matulac na impressed din sa rami nang followers ng Kapamilya young actress sa iba’t ibang social media platforms.

Nakilala si Francine mula nang gampanan niya ang karakter ni “Cassie” sa patok na teleserye noong 2018 na Kadenang Ginto at bumida rin siya sa ilang digital film na Tenement 66 at digital series na Bawal Lumabas.

Sa ngayon, mayroon siyang 3.6 million followers sa Facebook, 4.6 million followers sa Instagram and 5.1 million sa TikTok.

Kasama na niya bilang endorser ng Dr. Alvin ang kanyang mga kapwa Kapamilya na sina Kira Balinger at Joshua Garcia.

Kasabay ng paglulunsad kay Francine bilang bago nitong ambassador, hinihikayat ng Dr. Alvin, sa pamamagitan ng bagong rejuvenating set, na panatilihing malusog ang kutis bilang tayo ay nasa pandemya pa rin.

Sinasalamin ng paglulunsad kay Francine bilang bagong endorser at ng Dr. Alvin Rejuvinating Set ang pagbangon ng mismong brand sa krisis sa kalusugan at kung paano nakasabay sa tinatawag na “new normal” dahil nakapagbukas rin ito ng maraming oportunidad. “Nang magkaroon ng mga lockdown sa bansa, at pagsasara ng mga negosyo, umisip kami ng paraan kung paano makakatulong sa mga tao na nawalan ng trabaho at kung paano sila kikita. Tinuruan naming sila na mag-online business at kung paano magbenta ng ligtas, de kalidad, at abot-kaya mga dermatologically-tested at FDA-approved na produkto,” saad niya.

vuukle comment

FRANCINE DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with