^

PSN Showbiz

Kapamilya, walang blessing ang pagbalik sa pulitika ni Kabayan Noli!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kapamilya, walang blessing ang pagbalik sa pulitika ni Kabayan Noli!
Noli
STAR/ File

Wala diumanong blessing ang management ng ABS-CBN sa planong pagbalik sa pulitika ni Kabayan Noli de Castro.

Ayon sa super reliable source, hindi totoong binigyan ng blessing ng management si Kabayan Noli na kumpirmadong kakandidatong senador sa partido ni Yorme Isko Moreno (for President) and Doc Willie Ong (for Vice President).

Ilang araw na ang nakakaraan nang may isang source ang nagbulong at lumabas sa Pang Masa na balik-pulitika nga ang dating senador at naging Vice President din ng Pilipinas.

Tulad ni Yorme Isko, nanggaling din sa ‘ibaba’ si Kabayan Noli – sa pagiging production assistant noon kay Inday Badiday bago nakilala at sumikat sa pagho-host ng Magandang Gabi, Bayan at TV Patrol sa radyo at television hanggang pasukin ang pulitika after 25 years at nag-number one sa pagka-senador noong 2001.

Naging vice president naman siya noong 2004 to 2010 sa ilalim ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na diumano’y bubuhayin din ang political career sa darating na halalan.

Kasalukuyang napapanood ang ilang programa ng ABS-CBN sa Kapamilya channel, A2Z at TV5 dahil sa kawalan ng franchise.

So, ano kayang magiging final decision ni Kabayan Noli?

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with