^

PSN Showbiz

Kim bumawi, naka-relate rin sa mga biktima ng cheater

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kim bumawi, naka-relate rin sa mga biktima ng cheater
Kim
STAR/ File

Nilinaw ni Kim Chiu na hindi siya favor sa cheating o panloloko. Ito ay matapos ngang ma-bash bash si Kim sa kanyang comment sa Reina Ng Tahanan portion ng It’s Showtime kung saan sinabi ng contestant na ilang beses siyang niloko ng kanyang mister. Nag-dialogue si Kim ng “Baka magchi-cheat kung hindi siya naging masaya. Baka bubukas ‘yung mundo ng chea­ting kung hindi siya masaya sa partner niya.”

Kahapon ay bumawi si Kim. Aniya : “Noong isang araw, hindi ako nabigyan ng chance to explain further ‘yung sinabi ko. Gusto ko lang sabihin sa lahat at linawin — hindi po ako pabor sa cheating. Never po ako talaga magiging pabor doon, dahil naging biktima din naman ako noon. It was not easy, and it was very painful.

“Mahabang talakayan kasi ang cheating. Hindi iyon matatapos sa isang salita. Pero, again, I am not in favor of cheating, and I will never be in favor of that,” aniya kahapon.

“Nagmukhang ako ‘yung cheater! Siyempre walang may gusto masaktan, o walang may gustong niloko ka.”

Common knowledge sa showbiz na ex niya si Gerald Anderson at hindi naging normal ang breakup nila.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with