^

PSN Showbiz

Aljur, tinutulungan ni Robin na mag-promote ng show!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Aljur, tinutulungan ni Robin na mag-promote ng show!
Aljur at mga anak
STAR/ File

Ilan sa showbiz insiders ang nagsasabing posibleng magkakabalikan sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Base sa mga ipinu-post nila sa kanilang social media account, mukhang maayos naman ang usapan nilang mag-asawa pagdating sa dalawa nilang anak.

Nahihiram ni Aljur ang kanilang anak at kamakailan lang ay nai-post ni Aljur sa kanyang Instagram na ang saya nilang mag-amang naliligo sa malakas na ulan.

Kasama rin doon ang ama ni Aljur na nagpapaulan din. Enjoy na enjoy ang mga bagets sa paglalaro sa ulan.

Si Kylie naman ay inaabangan  kung ano ang gagawin niyang drama series sa GMA 7.

Mukhang sabik na sa kanya ang supporters niya, dahil nakikita naman sa replay ng The Good Daughter na consistent na mataas ang rating. Minsan nga mas mataas pa ito sa ibang bagong afternoon drama.

Ready na rin daw si Kylie na bumalik sa trabaho.

Si Aljur naman ay abala rin sa bago niyang projects.

Meron nga siyang TV docu drama film na pinamagatang Eskapo na mapapanood sa PTV 4 sa darating na Sabado, Sept. 25 ng gabi. Ang nakakaa­liw pa, mismong ang father-in-law ni Aljur na si Robin Padilla ang nag-promote ng pelikulang ito.

Ipinost ni Robin sa kanyang Facebook account, “Mabuhay Mga kababayan! Abangan n’yo po ang Eskapo starring Aljur Abrenica sa September 25 5PM-6PM sa Magandang Gabi Pilipinas in PTV 4.”

Nag-react tuloy ang netizens at pinaglaruan nila ang pag-promote ni Robin sa project ng kanyang manugang.

Pero siguro kaya naman na-promote ito ni Robin at dahil sa PTV 4 ito na government station. O maaring kaibigan niya ang direktor nitong si Cesar Soriano.

Sinabi naman noon ng aktor na gusto naman niyang magkaayos silang mag-asawa at sana ay muli silang mabuo bago mag-Pasko.

Sen. Bong, ayaw nang patulan si Phillip

Ayaw na ni Sen. Bong Revilla na palakihin pa ang isyu sa talumpati ni Phillip Salvador sa event na dinaluhan ni Sen. Bong Go sa Laguna.

Marami na ang nag-react, pero hayaan na raw iyon.

Naniwala naman si Sen. Bong na hindi siya ang pinatatamaan ng kaibigan niya. “Tingin ko naman hindi ako ang pinatatamaan ni Ipe. Mahal ako nun,” pakli niya.

Nagpaliwanag naman si Phillip sa isang itnerview pep na hindi si Sen. Bong Revilla at Sen. Pacquiao (Manny) ang pinatatamaan niya.

Kaya huwag na raw sanang gawing isyu pa ito.

Gusto na lang ni Sen. Bong R.  na positibo na lang ang pag-uusapan lalo na’t magbi-birthday na siya sa darating na Sabado.

Excited siya sa kanyang Kap’s Amazing Birthday Giveaway, dahil ang dami na ngang gustong sumali at nag-submit ng kanilang Google form link.

Nagpapasalamat naman si Sen. Bong sa mga nagbigay ng sponsorship para mas marami pang magbibigyan ng papremyo.

Bukod sa Sabado ay meron din sa Linggo, Sept. 26 sa kanyang Facebook live at YouTube channel.

Sa susunod na buwan ay magsisimula na siyang mag-taping sa book two ng Agimat ng Agila.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with