^

PSN Showbiz

Paolo gustong makipag-ayos kay LJ!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Paolo gustong makipag-ayos kay LJ!
Paolo at Summer.

May ilang nag-react sa sinabi ni Paolo Contis tungkol sa ilang araw niyang pamamalagi sa Baguio. SInasabi kasi ng ilang netizens na hindi lang daw siya tatlong araw doon kundi mahigit pa.   

Ipinaliwanag ito ng Kapuso actor dahil may schedule raw siya ng bakuna sa Caloocan, at pagkatapos nito ay nag-taping siya sa Bubble Gang, at meron din siyang guesting sa Dear Uge.

Alangan namang akyat-manaog daw siya sa Baguio. Nag-road trip daw ba siya sa lagay na iyun?

 Pero may nagaling-galingang ilang netizens na inilabas ang vaccination ni Paolo nung August 9. Nagpa-picture raw sila at ipinost sa kanilang social media account. Ipinapalabas nilang matagal na ang vaccination, kaya nagsinungaling na naman ang aktor.

Hindi kaya naisip ng mga netizen na maaring hindi pa sila nabakunahan, na may second dose ng vaccination?

Ang sinasabi ni Paolo, ay nung August 28 daw ang second dose inoculation niya sa Caloocan, at ang dami nga raw ang nagpa-picture sa kanya roon. At sumunod nun ay tumuloy na siya sa taping niya sa Bubble Gang at September 3 naman daw ang schedule ng taping niya sa Dear Uge. 

Pero natutunan na ni Paolo ang mandedma ng bashers.

Nagpapasalamat lang ang aktor dahil nandiyan pa rin ang suporta sa kanya ng GMA 7 at may mga project pa siya. Nakasalang na nga siya ngayon sa lock-in taping sa drama series nila nina Heart Evangelista at Richard Yap na I Left My Heart in Sorsogon.

Nagpapasalamat din siya sa mga kaibigan niyang hindi bumitaw sa kanya. Hindi nga lang sila vocal sa pagsuporta sa kanya, pero nakakausap daw niya at hindi raw siya nadya-judge.

Pati sa taping ng I Left My Heart in Sorsogon ay ginagawa na lang daw nilang katatawanan ang mainit na isyung kinasangkutan niya. Hindi na raw napipikon si Paolo sa mga joke na may kinalaman sa isyu niya at pinagtatawanan na lang niya ang ang daming sumasakay sa ‘as a friend’ joke.

Okay na okay nga raw siyang gawing sketch ito sa kanilang Bubble Gang.

Pero ang gusto sana ni Paolo ay matapos na ito para matahimik na ang lahat. At kung meron man siyang balak na ayusin, iyon ang problema nila ni LJ Reyes.

Tiyak na sa December ay mami-miss daw niya ang anak na si Summer, kaya sana ay mabigyan siya ng chance na madalaw ito sa Amerika.

Michael V. may ginawang kanta mala-Christmas in Our Hearts!

Marami ang nagkagusto sa Christmas song na ginawa ni Michael V na pinamagatang Another Christmas Eve.

Parang mala-Christmas in Our Hearts ni Jose Mari Chan ang dating ng kanta na sinulat pala nilang mag-asawa nung nakaraang taon pa. Sabi ni Bitoy, ginamit na ito sa Pepito Manaloto, pero ngayon lamang nila ito ini-release under sa Mic Test Entertainment nila ng asawa niyang si Carol Bunagan.

“Gusto ko talagang bumuo ng album na puro Pamasko eh,” pakli ni Michael V sa tsikahan namin sa aming DZRH programa nung nakaraang Biyernes.

Touching ang Christmas song nito na inalay din niya sa mga frontliner at sa lahat ng nagkasakit ng COVID-19 at sobrang apektado ng pandemic na ito.

Siyempre, ang maalis na ang COVID-19 sa buong mundo ang Christmas wish niya na wish din ng lahat.

Sa ngayon ay hindi pa masabi ng comedian/writer at director kung kailan babalik ang Pepito Manaloto dahil balik na naman daw siya sa ‘work from home’.

Nagsimula na raw siyang mag-taping sa labas na kung saan nagsu-shoot sila ni Manilyn Reynes ng spiels nila para sa Unang Kuwento, pero natigil na naman sila dahil ‘yung location na pinagteypingan nila ay nadamay daw ng granular lockdown. “Gusto ko talagang bumalik dahil unang-una fully vaccinated na ako, pati mga kasama ko. Hindi ko pa rin maisip kung papano babalik eh,” sabi pa niya.

Sa ngayon ay hindi pa raw niya masasabi kung puwede na silang mag-tape para sa Pepito Manaloto.

“Ang iniisip kasi namin ‘yung audience, kawawa eh. Nabibitin madalas.”

Kaya maaring itutuluy-tuloy muna nila ang Unang Kuwento na prequel ng Pepito Manaloto. Maganda naman ang feedback at magagaling ang buong cast ng naturang sitcom.

“Yung Unang Kuwento, there’s a chance na magtuluy-tuloy na, pero as I said pinag-aaralan pa ng ano…yung mga boss ng GMA. That’s an option na ituluy-tuloy pa ang Unang Kuwento.

“Kung tutuusin, kahit ako parang naging fan na ako ng Unang Kuwento. Magagaling sila at ang sarap mag-reminisce ng nakaraan. Panahon ng 80s, panahon natin ‘yan eh.

“For me, it’s a great honor na magamit ‘yung pangalan ni Pepito Manaloto sa ganung klaseng programa,” pagtatapos ng pahayag ni Michael V.

 

vuukle comment

PAOLO CONTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with