Dalagita pumalag sa rape, pinagsasaksak
MANILA, Philippines — Nasa malubhang kalagayan ngayon ang isang 15-anyos na dalagita makaraang pagsasaksakin ng rapist na nagtangkang humalay dito nang pumalag ang biktima sa Brgy. Bagong Silang 1, Guinayangan, Quezon nitong Biyernes.
Sa report ng Quezon Police, ang biktimang itinago sa pangalang Sandra ay patuloy na nilalapatan ng lunas sa Saint Peter Hospital sa Calauag, Quezon sanhi ng mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente sa Brgy. Bagong Silang 1, Guinayangan ng lalawigang ito bandang alas-12:20 ng madaling araw pero hapon na ng maiulat sa pulisya.
Ayon sa pamilya ng biktima, kasalukuyang natutulog si Sandra sa loob ng kaniyang silid ng maalimpungatan ito nang maramdamang may humihimas sa kaniyang binti.
Pagdilat ng mga mata ng biktima ay laking gulat nito nang makita ang suspect na kinilalang si Darwin Arellano agad naman itong tinutukan ng matalim na kutsilyo sa leeg sabay sabing huwag sisigaw at huwag ding manlalaban kung saan binantaan ang biktima na gigilitan umano ng leeg.
Pinahawakan umano ng rapist ang kaniyang ari sa biktima kung saan tuluyan na sana itong hahalayin pero sinipa ito sa tiyan ng dalagita.
Dahilan napurnada ang buhong na suspect ay nagalit ito at pinasasaksak ang dalagita saka mabilis na tumakas. Ang dalagita ay agad namang isinugod sa pagamutan ng kaniyang pamilya.
Nasakote naman ang suspect sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad na ngayo’y kasalukuyan nakapiit at nahaharap sa kasong attempted rape with frustrated homicide.
- Latest